-- Advertisements --
Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Magnolia Hotshots 106-80 at para ma-sweep ang PBA Commissioner’s Cup quarterfinal series.

Nakuha ng Ginebra ang dalawang panalo sa best-of-three nila ng Magnolia.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 30 points, nine rebounds, anim na assists at apat na steals.

Nag-ambag naman ng 18 points si Japeth Aguilar habang mayroong 13 points, seven rebounds si LA Tenorio samantalang 12 points naman kay Mark Caguioa.

Mula pa sa unang quarter ay hawak ng Ginebra ang kalamangan kung saan umabot pa sa 35 points.

Hinihintay na lamang ng Barangay Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng TNT KaTropa at Alaska Aces para makaharap nila sa best-of-five semifinals.

Itinuturing naman ni Ginebra coach Tim Cone ang panalo bilang surpresa sa kanila dahil sa hindi nila ito inaasahan.

Nanguna naman si Marc Barroca sa Magnolia na nagtala ng 17 points at 15 points, eight rebounds ang kanilang import na si Rakeem Christmas.