-- Advertisements --
Nadomina ng Barangay Ginebra ang NorthPort para makuha ang panalo sa Game 1 sa score na 115-93 ng best of seven semifinals ng PBA 49th Commissioner’s Cup.
Sa pagpasok ng second half ay doon na umaragkada ang Ginebra kung saan nakamit ng nila ang 32-14 runds para mapalayo ang kalamangan.
Nanguna sa panalo ng Barangay Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 19 points, apat na rebounds, apat na assists at isang steal habang mayroong 14 points si Jamie Malonzo.
Nakapag-ambag naman ng 16 points at walong rebounds si Troy Rosario habang mayroong 15 points, anim na rebounds at pitong assists si RJ Abarrientos.
Hindi naman umubra ang nagawang 33 points at 12 rebounds ni Kadeem Jack para sa Batang Pier.