-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine 124-102 sa kanilang paghaharap sa 2024 PBA Governor’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang panalo ay tila pagbawi ng Ginebra sa Elasto Painters noong sila ay talunin 73-64 noong Agosto 24 sa Candon, Ilocos Sur.

Ang panalo ng Ginebra ay nagpuwersa para sa three-2y tie sa pagitan nila ng Rain or Shine at San Miguel Beermen na mayroong limang panalo at dalawang talo sa Group B.

Nanguna sa panalo ng Justin Brownlee na nagtala ng 40 points.

Mula sa simula ay hindi na pinalamang pa ng Ginebra ang Rain or Shine.