-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine 120-92 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner Cup.

Dahil dito ay pasok na ang Ginebra para sa playoffs sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Sa simula ng laro ay umarangkada agad ang Ginebra kung saan hindi na nila pinalamang pa ang Elasto Painters.

Nasa pang-anim na puwesto ang Ginebra na mayroong pitong panalo at apat na talo habang ang Rain or Shine ay mayroong anim na panalo at apat na talo na nasa pang-pitong puwesto.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 29 points, 13 rebounds at anim na assists habang mayroong 22 points, anim na rebounds at walong assists si Scottie Thompson at 14 points walong rebounds naman ang nagawa ni Troy Rosario.

Hindi naman umubra ang nagawang 23 points at 15 rebounds ni Deon Thompson at 14 points ni Anton Asistio para sa Rain or Shine.