-- Advertisements --
Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang Alaska 118-106 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo si Justin Brownlee at Stanley Pringle na kapwa nagtala ng 27 points.

Nag-ambag naman ng tig-22 points sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Naging kuntento naman si Ginebra coach Tim Cone dahil sa matinding laro na ipinamalas ng kaniyang mga manlalaro.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 5-4 win-loss record ang Ginebra habang mayroong apat na panalo at limang talo ang Aces.