-- Advertisements --

Hindi ipinakita ng Barangay Ginebra na sila ay napagod sa magkasunod na laro matapos talunin ang NorthPort 112-100 sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles City, Pampanga.

Pinangunahan ni Stanley Pringle ang Gins na mayroong 17 points at mayroong 15 points s Aljon Mariano para madala sa anim na panalo at dalawang talo ang Ginebra.

Ipinagmalaki naman ni Ginebra coach Tim Cone ang kaniyang mga manlalaro dahil hindi sila napagod sa dalawang magkasunod na laro.

Nitong Martes kasi ay tinalo nila ang Alaska Aces.

Nasayang naman ang nagawang tig 23 points nina Christian Standhardinger at Kevin Ferrer para sa NorthPort na mayroong isang panalo at anim na talo.