-- Advertisements --

Walang kahirap-hirap ang Barangay Ginebra para makuha ang 2-0 nakalamangan sa best-of-seven PBA 49th Season Commissioner’s Cup semifinals nila ng NorthPort Batang Pier 119-106.

Umabot pa sa 35 points ang naging kabuuang kalamangan ng Ginebra sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na nagtala ng 31 points at walong rebound.

Ipinasok din nila si Jeremiha Gray sa laro na unang pagkakataon mula noong Hulyo 2023 matapos na magtamo ng injury sa tuhod.

Pinuri ni Ginebra coach Tim Cone ang kaniyang manlalaro dahil sa disiplinang ipinakita nila para tuluyang tambakan ang NorthPort.

Nasayang naman ang nagawang 27 points, 10 rebounds ni Kadeem Jack at ang 23 points, 12 rebounds ni William Navarro ng Batang Pier.