-- Advertisements --
Cobain
Nirvana frontman Kurt Cobain

Ibinebenta na ngayon sa isang auction ang gitarang ginamit ng Nirvana frontman Kurt Cobain.

Ang retro acoustic-electric 1959 Martin D-18E na gitara ay ginamit ni Cobain sa paggawa niya ng MTV Unplugged album.

Magsisimula ang bidding sa nasabing gitara sa darating na Hunyo 19 sa pamamagitan ng online sa Julien’s Auctions.

Inaasahan na hindi bababa sa $1-million ang magiging presyo nito.

Ginamit ang nasabing gitara limang buwan bago matagpuang patay ang 27-anyos na si Cobain.

Ilalagay sa display ang nasabing gitara sa Piccadilly Circus Hard Rock Cafe simula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

Ilan sa mga kasamang ibinebenta sa auction ay ang Fender Stratocaster guitar na sinira ni Cobain noong “1994 In Utero Tour” at ang metallic silver lame long sleeve button-down shirt na sinuot din nito noong 1993 “Heart Shaped Box” music video.

Magugunitang noong Oktubre 2019 ay naibenta sa halagang $334,000 ang cigarette-singed cardigan nito.

Ang tinaguriang Generation X icon ay namatay sa suicide noong April 5, 1994 sa edad na 27.