-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $1,047,000 o katumbas ng mahigit P77-milyon ang gitara ng namayapang legendary rock musician na si Jeff Beck.
Ang 1954 ‘Oxblood’ Gibson Les Paul ay kasama sa cover ng 1975 album nitong “Blow by Blow”.
Ayon sa Christie’s auction house sa London na hindi nila akalain na aabot sa ganun na presyo dahil inaasahan nila na mabibili ito ng hanggang P10-milyon.
Dagdag pa ni Ameila Walker mula sa Christies na ang ang kulay talaga ng gitara ay Gold Top.
Ginamit rin ni Beck ito kasama si David Bowie sa Ziggy Stardust noong Hulyo 1973.
Isinilang si Beck sa Wallington noong 1944 kung saan pumanaw siya sa edad na 78 noong 2023 sa bahay niya sa Wadhurst, East Sussex.