Nakatakdang ibenta sa auction ang 12-string acoustic guiar ng dating The Beatles member John Lennon.
Ang nasabing gitara ay matagal ng nakatago at natagpuan lamang ito sa attic sa bahay ng singer sa Britain.
Nadiskubre lamang ito ng bagong may-ari ng bahay noong sila ay lumipat.
Ginamit ang nasabing gitara sa sikat na kanta ng grupo na “Help” noong 1965.
Inaasahan ng US-based Julien’s Auctions na maaring maibenta ito mula $600,000 hanggang $800,000.
Sinabi ni Martin Nolan ang executive director ng nasabing auction house na ang gitara ay iniregalo ni Lennon sa British musician na si Gordon Waller na miyembro ng po
p duo Peter and Gordon noong 1960.
Magugunitang noong mga nakaraang buwan din ay nakita ang ninakaw na Hofner bass guitar ni Paul McCartney matapos ang 51-taon na paghahanap.