-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $6 million sa auction na acoustic guitar ng pumanaw na Nirvana frontman Kurt Cobain.

https://www.instagram.com/p/CBrEyF_JVQD/

Itinuturing ng Julien’s Auctions na ito na ang pinakamahal na gitara na naibenta sa kanilang kasaysayan.

Nagsimula ang auction sa halagan $1-M hanggang tuluyang napanalunan ni Peter Freedman ang founder ng Rode Microphones.

Ang 1959 Martin D-18E retro acoustic-electric ay ginamit ni Cobain sa legendary MTV unplugged noong November 18, 1993 limang buwan bago ito nagpakamatay.

Balak ni Freedman na dalhin ang gitara sa worldwide tour at ang malilikom na pera ay para sa pagsuporta sa performing arts.

Nahigitan nito ang Fender Statocaster na gitarang ginamit ni Pink Floyd guitarist David Gilmour na umabot na sa $4 million sa charity sale noong Hunyo 2019.