-- Advertisements --

Naibenta sa halagang P1.3-milyon ang electric guitar na pirmado ng Eraserheads members.

Ang kulay green na D&D guitar ay personal na dinisenyo ni Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee.

Isinagawa ng bandang Parokya ni Edgar ang online bidding ng nasabing gitara para makatulong sa pagpapagamot ng kanilang gitarista na si Gab na nasa pagamutan dahil sa isang uri ng cancer.

Nagtapos ang bidding nitong Pebrero 14 kung saan ang nakakuha ng huling bidding na P1.3-M ay si Bryan Beran ng Circus Music Festival.

Ibinahagi ng Parokya ni Edgar ang larawan kung saan binayaran ni Beran ang gitara direkta sa pagamutan kung saan naka-confine si Gab.

Magugunitang nagsagawa ng iba’t-ibang benefit show at concert ang banda para makalikom ng pondo para sa pagpapagamot ng kanilang gitarista.