Maaaring abutin pa ng Pasko o lagpas pa ng Pasko ang giyera ng Israel kontra Hamas at iba pang mga militanteng grupo.
Ayon sa lider ng Filipino community sa Israel na si Marc Pleños na una nang sinabi ng Israeli government na hindi ito titigil hangga’t hindi naigaganti ang unang pagsalakay na ginawa ng mga Hamas.
Bagamat pumapasok na aniya sa pakikipag-usap ang Israeli Government para sa kapayapaan o tigil-putukan, sinabi ni Pleños na nananatili pa rin ang pagbabanta ng mga militanteng grupo katulad ng Hezbollah at mga bansang tuluyang naging kaaway ng Israel dahil sa nagpapatuloy nitong opensiba, katulad ng Iran.
Una na rin aniyang nagbigay ng abiso ang Israeli government sa mga mamamayan ng Israel na tuloy-tuloy ang mga opensiba nito sa kabila ng mga usapang pangkapayapaan.
Maalalang Oktubre-7 noong unang nilusob ng grupong Hamas ang Gaza Strip kung saan maraming mga Israeli ang napatay at nasugatan, kabilang na ang apat na Pilipino.
Agad namang nagsagawa ng retaliatory attack ang Israel kung saan inaabot na ng halos isang taon ang naturang paghiganti.
Ilang mga bansa na rin ang nananawagan sa Israel na tuluyan na nitong itigil ang paghihiganti, kabilang ang US, European at Asian countries.