Hindi pa nakikita ng national security adviser ng Israel na matatapos na ang giyera sa Gaza. Maaari pa umano itong tumagal hanggang matapos ang taong 2024.
Sa isang panayam, sinabi ni Tzachi Hanegbi na inaasahan nilang magpapatuloy ang gulo sa Gaza hanggang sa susunod na pitong buwan upang tuluyang masira ang kakayahan ng Hamas at ng grupong Palestinian Islamic Jihad.
Dinepensahan din nito ang military operation ng Hamas sa Rafah na naging takbuhan ng mga sibilyan para mailigtas ang kanilang mga sarili sa putukan sa Gaza.
Ito ay kahit inutusan na sila ng International Court of Justice na itigil na ang pag-atake sa Rafah.
Nagpahayag na rin ang ibang mga bansa kabilang na ang Egypt sa isinasagawang operasyon ng Israel sa Rafah dahil ito raw ay isang banta sa pinagkasunduang kapayapaan.
Sa huling ulat, mahigit 36-K katao na ang nasawi sa Gaza dahil sa giyera sa pagitan ng Hamas at Israel.