-- Advertisements --
image 131

Inihayag ng chairman ng 14-member League of Freight Forwarders (LFF) na ang nangyaring Russia invasion sa Ukraine at tension sa taiwan ang siyang dahilan sa ”delays” ng delivery ng mga balikbayan boxes para sa Pasko.

Inihayag ng head ng grupo ng mga cargo forwarders na si Allan Michael Bautista na kailangan ng mga shipping companies na mag-reroute sa ibang mga transshipment point para sa mga kadahilanang pangkaligtasan o safety reasons.

Kung dati nasa 30 araw lang ang biyahe nito, ngayon ay nasa hanggang 60 days na lalong lalo na kung para sa Visayas at Mindanao.

Dagdag pa nito na marami sa mga import-export routes, nagkaloko-loko dahil sa giyera sa Ukraine.

‘Yung mga traditional routes, may mga re-routing na nangyayari.

Nagko-cause ito ng added delays dahil nagkakaroon ng choke points.

Top