Nagdeklara ng giyera laban sa illegal gambling si PNP chief police police Director General Ronald dela Rosa ngunit tiniyak naman nito na hindi magiging madugo gaya sa kanilang kampanya noon laban sa iligal na droga.
Paliwanag ni Dela Rosa, hindi naman sira ulo ang mga sangkot sa iligal na pasugalan di tulad ng mga lulong sa droga na handang pumatay at magpakamatay.
Sa iligal na pasugalan kasi pera pera lang ang usapan kaya’t naniniwala siyang walang sangkot dito na magbubuwis ng buhay.
Kumpiyansa si Dela Rosa na hindi aabutin ng anim na buwan ang pagsugpo sa iligal na pasugalan sa bansa kailangan lamang ng kooperasyon ng publiko maging sa mga opisyal ng gobyerno.
Sa ngayon naka alerto na ng PNP ang lahat ng kanilang regional offices para maglunsad ng one time bigtime operations (OTBT) laban sa mga illegal gambling operators.
May mga security adjustment na rin ipinatupad ang PNP kaugnay sa nasabing kampanya.
Una rito, nagpalabas ng utos ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng executive order 13 na nagsasabing lalo pang pagtingin ng PNP, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies ang kampanya kontra illegal gambling.