-- Advertisements --
Ikinasal na ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa kaniyang non-showbiz boyfriend sa Amerika.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga video at larawan ng pagpapakasal niya sa hindi na pinakilallang nobyo.
Dahil dito ay maraming mga fans niya ang nahiwagaan kung sino nga ba ang lalaking kaniyang pinakasalan ngayon.
Ito na kasi ang pangalawang pagpapakasal ng singer dahil una ay ikinasal ito sa non-showbiz guy na si Mike Navaretter sa US noong 2021.
Bumuhos naman ang pagbati sa social media matapos na mabalitaan ang pagpapakasal ng singer.