-- Advertisements --

Sinuspendi ng Philippine Football Federation (PFF) ang Global Football Club dahil sa bigo nitong ayusin ang mga financial obligations ng kanilang miyembro.

Ayon sa PFF, mayroong 90 araw na suspension ang ipinataw sa nasabing football club dahil sa hindi binayaran ang overdue payables sa kanilang empleyado.

Nagbabala pa ang PFF na kapag hindi nila naayos ang mga pagkakautang ay matatanggalan sila ng lisensiya.

Dahil dito ay hindi makakasama ang nasabing football club sa 2020 PFL season.