-- Advertisements --
INI japanese
INI

BAGUIO CITY – Patuloy ang pagsikat ng Global Japanese pop group na INI matapos nga ang kanilang official debut noong November 3.

Ang INI ang 11-member J-pop group na nabuo sa sikat na reality show na Produce 101 Japan Season 2.

Sa kasalukuyan nga, ang kanilang debut single na “Rocketeer” ay may 10 million views na sa YouTube.

Samantala, masaya umano ang grupo na maibahagi ang kanilang kwento at musika lalo na sa kanilang mga Asian fans.

Narito ang special shoutout ng Japanese boy group na INI sa kanilang mga Filipino fans sa pamamagitan ng Star FM at Bombo Radyo Philippines.