Sentro ng matinding talakayan sa 27th Parliamentary Intelligence-Security Forum ang lumalawak na impluwensya at agresibong mga hakbang ng China na mistulang banta umano sa buong mundo.
Nagbabala ang isang security expert at mga mambabatas mula sa Estados Unidos kaugnay ng tumitinding military agression, ekonomikong pamimilit, at lihim na pakiki-alam ng Beijing sa mga demokrasya sa buong mundo.
Binatikos nina dating U.S. Congressman Robert Pittenger, U.S. Senator Bill Cassidy, at dating Deputy National Security Advisor Matt Pottinger ang China.
Inakusahan nila ang Chinese Communist Party (CCP) ng pagpapahina sa pandaigdigang kaayusan sa pamamagitan ng ekonomikong panlilinlang, panghihimasok sa politika at pagpapalawak ng kanilang militar.
Ayon kay dating US Cong. Pittenger, ang China ay pangunahing tagasuporta ng mga authoritarian regime.
Pinuna rin niya ang paggamit ng China ng cyber warfare, ekonomikong pangingikil, at mga iligal na financial network upang magkaroon ng politikal na kontrol sa mga mahihinang bansa.
Sa isang video message, tahasang sinabi ni Cassidy na ginagamit ng Beijing ang korapsyon para pabagsakin ang mga demokrasya.
Nagbabala si Cassidy sa paggamit ng China sa ibang foreign leaders sa pamamagitan ng iligal na insentibong pang pinansyal na nauuwi sa pagiging economically dependent.
Tinuran din ni Cassidy na pangunahing target ng China ang Pilipinas sa kanilang expansionist tactics.
Partikular dito ang iligal na panghihimasok sa West Philippine Sea, militarisasyon sa mga artipisyal na isla at panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino na ikinagalit ng bansa.
Tinukoy din niya ang malawakang paggamit ng debt-trap diplomacy ng China, na minanipula ang mga pamahalaan sa Africa, Latin America at Southeast Asia sa pamamagitan ng mga malalaking pautang para sa proyektong pang imprastraktura.
Samantala, Inilarawan ni Pottinger ang estratehiya ng China tulad ng isang tahimik na Cold War na gumagamit ng pagpapakalat ng maling impormasyon, pagdepende sa ekonomiya at pananakot gamit ang military para mapabagsak ang pagpapahala sa demokrasya.
Tinuligsa ni Pottinger ang paghawak ng China sa COVID-19 lalo na sa ginawa nitong pagtatakop sa nagging outbreak sa Wuhan na nauwi sa pandaigdidang kapahamakan.
Kinondena rin niya ang pagnanakaw ng China sa intellectual property, mapanirang polisiyang pangkalakalan, at paninira sa kalikasan bilang pinaka nangungunang polluter sa mundo.
Ibinabala rin niya ang koneksyon ng China sa mga bansang awtoritaryanismo, partiklar ang kasunduan kasama kay Vladimir Putin bago giyerahi ng Russia ant Ukraine.
Inakusahan din niya ang China ang pagpapalakas sa militar ng Moscow habang naghahanda sa posibleng pag-aksyon ng kanilang militar laba sa Taiwan.
Paghimok ni Pottinger sa mga demokratikong bansa na palakasin ang pagpigil sa military sa Indo-Pacific, harangin ang access ng China sa Western technology at kapital, ipagbawal ang mga plataporma ng kontrolado ng CCP gaya ng TikTok at WeChat at patatagin ang alyansang pang-ekonomiya at political laban panggigipit ng Beijing.