Nagbabala ang International Labour Organization (ILO) at United Nations na tila matatagalan pa ang nararanasang labour market crisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa UN, nasa mahigit 100 milyong manggagawa na ang nalugmok sa kahirapan dahil sa kawalan ng trabaho at short working hours.
Sa annual world employment and social outlook report ng International Labour Organization, nakasaad dito na kukulangin ng 75 milyong trabaho sa katapusan ng kasalukuyang taon sa buong mundo kumpara kung walang pandemic.
Habang nanganganib namang magkulang ng 23 milyong trabaho sa katapusan ng susunod na taon at posibleng sa taong 2023 pa muling manunumbalik ang oportunidad sa trabaho gaya ng pre-pandemic level.
Pinunto ni ILO chief Guy Ryder na hindi lamang public health crisis kundi employment at human crisis din ang epekto ng coronavirus partikular sa mga vulnerable members at economic sector na malubhng naapektuhan ng pandemiya.
Inaasahang papalo pa sa 205 milyong katao ang global unemployment sa taong 2022 kung magpapatuloy ang nararanasang pandemiya.