-- Advertisements --

Kinumpirma ng Globe Communications company na nagkaroon sila ng mobile services outages sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao dulot nang pananalasa ng bagyo.

Kaya naman apektado ang operasyon ng kanilang mga Globe cellsites.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ang operasyon ay sa lalawigan ng Leyte, Cebu, Surigao del Norte, Southern Leyte, Bohol, Surigao del Sur, Negros Occidental, Negros Oriental, Sinagat Islands, Agusan del Norte, Zamboanga del Sur, lalawigan ng Samar, Iloilo, Eastern Samar, Western Samar, Siquijor, Guimaras, Zamboanga Sibugay, Bukidnon at Camiguin.

Samantala sa ngayon patuloy na ang isinasagawang restoration efforts ng technical team ng Globe telco.