-- Advertisements --

Pumanaw na ang imbentor ng baril na Glock na si Gaston Glock sa edad na 94.

Kinumpirma ito ng kaniyang kumpanya subalit hindi na nagbigay pa ng mga detalye.

Ang nasabing uri ng baril ay siyang ginagamit ng nasa 65% ng US federal, state at local agencies.

Nagsimula siya sa Austria bilang engineer kung saan itinaguyod nito ang kumpanya noong 1963.
Mayroon itong limitadong karanasan sa baril,
paggawa ng mga pistol at metalworkings sa kaniyang garahe.

Siya ang gumawa ng semi-automatic Glock service pistol para sa mga Austrian military noong 1980.