-- Advertisements --

Naniniwala ang beteranang actress na si Gloria Diaz na makakamit ni Rabiya Mateo ang Miss Universe title.

Sinabi ng 1969 MIss Universe titleholder na nakikita niya ang pambato ng bansa na siyang nararapat na mag-uwi ng korona.

Kasalukuyang nasa US na si Rabiya para sa grand coronation ng Miss Universe 2020.

Sa darating na Mayo 16 na ito gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casion sa Hollywood, Florida.

Nangunguna rin aniya si Mateo sa mga local online poll para sa Miss Universe.

Magugunitang ang actress na si Diaz ay siyang kauna-unahang Miss Universe ng bansa.