-- Advertisements --

Balak ng local vaccine distributor na Glovax Biotech Corp na magtayo ng planta sa bansa.

Ayon kay Glovax Biotech CEO Giovanni Alingog, nakausap na nila ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan para sa nasabing pagpondo ng proyekto.

Dagdag pa niya na mayroon nakahanda na ang kanilang teknolohiya at mayroon na silang supplier kaya ang susunod na hakbang ay ang maghanap ng financial supports.

Nauna ng nakipag-partner ang kumpanya sa South-Korean based na EuBiologics Co. para sa clinical trial ng EuCorVac-19 ang bakuna na gawa ng Korea at sila ay gagawa rin ng bakuna sa bansa.

Plano ng kumpanya na maipatayo ang nasabing planta hanggang Oktubre na ito ay nagkakahalag ng P7 bilyon.