-- Advertisements --

Ibinulgar ni Pelicans general manager David Griffin na nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong mga players ng New Orleans.

Ayon kay Griffin, sumailalim na sa self-isolation ang naturang mga players at hinihintay na lang ang resulta ng panibagong test kung papayagan na itong lumahok muli sa mga team activities na hindi makakahawa ng iba.

Tumanggi naman si Griffin na pangalanan ang mga players, sang-ayon sa mga probisyon ng medical privacy laws.

Lumabas raw ang mga positive tests noong Hunyo 23, na unang araw ng pag-test sa mga miyembro ng teams na bahagi ng plano ng NBA para sa restart ng season.

“The league has a system in place that was designed to catch these cases. That system worked and we’re just going to deal with it the best we can moving forward,” wika ni Griffin.

“The league is relying both on the CDC and their own medical experts and the players’ union medical experts on this, and we’re going to continue to follow those guidelines,” dagdag nito.