Binisita ng nagbabalik na General Manager ng Metro Rail Transit Line 3 ang buong linya nito ngayong araw.
Personal na nag-ikot, nag-inspeksyon at sumakay sa tren si MRT-3 GM Michael J. Capati para makita ang kabuuang ng istasyon.
Sinimulan nito ang pagsasagawa ng inspeksyon sa North Avenue Station at sinilip ang mga pasilidad katulad ng escalator, elevator, comfort rooms, at iba pang pasilidad.
Kabilang sa binisita ng opisyal ang mga footbridge sa Taft Avenue Station kung saan ay kamakailan lang ay isinagawa ang clearing operations laban sa mga ilegal vendor.
Nanawagan naman si Capati sa mga mananakay na kaagad na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga isyu na kanilang makikita.
Naniniwala ito na sa ganitong paraan ay mas mabilis nilang matutugunan ang mga problema sa linya ng MRT 3.