Sinibak na sa pwesto ang General Manager ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na si Oscar Bongon.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Sec. Dizon, nakapagsumite na sila ng rekomendasyon hinggil sa magiging kapalit ni Bongon sa pwesto.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng kalihim ang appointment papers na magmumula naman sa Office of the President.
Ang pagsibak ni Dizon kay Bongon ay matapos na madismaya ito sa escalator ng MRT-3 sa Taft Avenue station kamakailan na ikinasugat ng sampu katao.
Nabatid na tatlong araw pa bago naayos ang pumalyang escalator mula ng ito ay masira.
Nag-ikot rin ang kalihim sa MRT – 3 kahapon para hingin ang mga suhestiyon ng publiko para makapagbigay sila ng maayos na serbisyo.