-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos nang pagbati sa Pinoy super grandmaster na si Wesley So matapos na ma-upset niya ang world’s number 1 grandmaster na si Magnus Carlsen ng Norway sa katatapos lamang ng Opera Euro Rapid.

Ayon sa ilang analyst, nagpapakita lamang daw ito nang pagiging “consistent” ni So sa kabila ng matinding pressure.

GM Wesley So magnus

Kung maalala ang 27-anyos na Wesley ay naglalaro na ngayon sa ilalim ng bandila ng Amerika matapos madismaya noon sa kalakaran ng chess sa Pilipinas.

Noon lamang Disyembre ay tinalo rin ni So, tubong Bacoor, Cavite sa ginanap na Skilling Open final sa mismong 30th birthday ang world champion na si Carlsen.

Sa naturang bigating torneyo ay nagbulsa si Wesley ng katumbas na P1.5 million.

Ngayon naman maging ang Valentines Day daw ni Magnus ay sinira rin ni Wesley na hawak ang pagiging world’s number 9 sa world rankings.

“I’d like to apologise to Magnus for ruining his Valentine’s Day,” ani So sa kanyang unang pahayag.

Sa kanya namang statement, unang binati ni So ang kanyang mga kababayang Pinoy.

Inamin din nito na kinabahan talaga siya sa kanilang ikalawang face off sa final ni Magnus, lalo na at ito ang itinuturing na isa sa mga “world greatest players sa history ng chess.”

“All I can say is … First, thank you to the chess fans who watched… Filipinos, Indians, Norwegians, Chinese, Africans, Russians, Americans and on and on….. A startling moment for me to win this event and have all of you sort of there, nervous along with me…. one day you are up, one day you are down, so I will enjoy this UP moment and start by giving thanks! To my Lord and Savior, AMDG.”

Wesley So Magnus