Suportado ni House Committee on Games and Amusement vice chairman at Ang Probinsyano party-list ang pagsasailalim ng PAGCOR sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) sensitivity training sa mga Chinese POGO workers.
Sa katunayan, dapat hindi lamang ito limitado sa mga POGO workers kundi sa lahat ng mga dumarating na Chinese mainlanders sa bansa.
Naging notorious na aniya ang mga dumarating na Chinese nationals sa pagiging “bastos” kaya marapat lamang na ipaalala sa mga ito na bagama’t hospitable ang mga Pilipino ay kailangan pa rin nilang sumunod sa batas ng Pilipinas at bigyan nang paggalang ang kultura at trandisyon ng bansa.
Nagkakaroon na kasi aniya nang pattern sa ngayon kung saan nasasangkot sa gulo at krimen ang mga Chinese mainlanders tulad nang drug-trafficking, prostitution, kidnapping, gun-for-hire at money laundering.
Iginiit naman ni Ong na hindi racism ang pag-obliga sa mga dumarating na dayuhan na irespeto ang kultura at tradisyon sa Pilipinas.
Samantala, muling ipinapanawagan ni Ong sa PAGCOR na bilisan na ang pagbibigay ng Gaming Employment License (GEL) identification cards sa lahat ng mga registered Chinese POGO workers.
Makakatulong din kasi aniya GEL IDs sa monitoring na ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19 pagdating naman sa POGO sector.
Dapat na magsagawa rin ng regular inspection ang PAGCOR at Bureau of Immigration sa lahat ng POGO facilities at i-audit ang lahat ng mga empleyado nito.