-- Advertisements --

Inindorso ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sina Senator Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte na maging Pangulo at bise presidente sa 2022 elections.

Ito mismo ang kinumpirma ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.

Sinabi ng kalihim na ito ang naging resulta ng ginawang pagpupulong ng partido nitong Miyerkules.

Paglilinaw naman ni acting secretary-general Melvin Matibag na may ilang mga tandems na kanilang pag-uusapan.

Pag-uusapan ang nasabing mga tambalan sa gaganaping pagpupulong ng partido sa darating na Setyembre 8.