-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakatakdang irekomenda ni Sen. “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ban sa ilang American Senators na makapasok sa Pilipinas.

Ito’y matapos aprubahan ng isang komite sa Senado ng Amerika ang batas na nagbabawal na makapasok sa Estados Unidos ang mga Filipino officials na nasa likod ng pagkakabilanggo ni Sen. Leila de Lima.

Una nang kinondena ng senador ang hakbang ng US senators na sina Patrick Leahy at Richard Durbin kung saan ito aniya ay malinaw na pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay isusuhestiyon naman ni Sen. Go kay Duterte na i-ban ang naturang mga senador ng Amerika na nakialam sa soberanya ng Pilipinas.

Muling binigyang-diin ni Go na ang pagkadetine kay De Lima ay naaayon sa batas na ipinapatupad ng independent court na pinagtibay ng Korte Suprema.

Ginawa ni Go ang pahayag sa pagdalo nito bilang guest speaker sa paggunita ng 118th aniversary ng Balangiga encounter nitong Sabado.