Binuksan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Go Lokal” stores na matatagpuan sa Intramuros, Manila.
Makikita dito ang mga iba’t-ibang produkto na ibinebenta ng mga negosyante mula sa iba’t-ibang probinsiya.
Ayon kay DTI Undersecretary Blesila Lantayona na sa nasabing programa ay marami silang matutulungan na mga maliliit na negosyante na hirap makabenta dahil kailangan nilang magbayad ng mataas na rental fees.
Isang magandang lokasyon aniya ang Intramuros dahil sa maraming mga turista ang araw-araw na bumibisita dito na tiyak na maipapakita ang iba’t-ibang produkto.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon ng 132 na Go Lokal shops sa buong bansa at plano pa ng DTI na dagdagan ito.
Inilunsad ang programa noon pang 2017 na layon na matulungan ang mga maliliit na negosyante sa bansa.