-- Advertisements --
NorthPort
PBA photo

Naging masaklap ang pagkatalo ng Columbian sa kamay ng NorthPort 110-108 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na tawagan ng goal-tending violation ang import ng Columbian na si Lester Prosper.

Nakita sa pag-review ng mga game official na sa natitirang 2.8 seconds na lay-up ni NorthPort import Robert Bolick ay nasagi ni Prosper ang rim kaya nagdesisyon ang mga opisyal na ibilang ang missed lay-up bilang puntos para sa NorthPort.

Nanguna sa panalo ng NorthPort si Mo Tautuaa na nagtala ng 23 points limang rebounds at anim na assists habang mayroong 21 points si Bolick.

Dinagdagan naman ni Kevin Ferrer ang 21 points habang mayroong 14 points, pitong rebounds at anim na assisits at tatlong steals si Nico Elorde.

Nasayang naman ang nagawang 36 points 17 rebounds ni Columbian import Prosper.

Hawak pa ng Columbian ang kalamangan 99-95 hanggang mahabol ito ni Elorde na nagtala ng back-to-back three points si Elorde na bumaligtad sa 108-103 na lamang para sa NorthPort.

Naitabla naman ni CJ Perez ng Columbian ang laban sa 108-108 sa natitirang 8.1 seconds.

Aminado si NorthPort Pido Jarencio na nagkaroon sila ng problema dahil sa kawalan ng ilang manlalaro nila gaya nina Sean Anthony at Paolo Taha.