-- Advertisements --

VIGAN CITY – Kinumpirma ni Abra Governor Joy Bernos na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bernos na matapos umano niyang mag-quarantine noong Marso 5 ay sumailalim naman ito sa mandatory RT-PCR test at sa kaparehong araw ay negatibo ang naging resulta.

Dahil umano hikain ang gobernador ay regular itong nakararanas ng pag-ubo at pagbahing sa umaga kaya hindi na masyadong ikinagulat na pati ito ay apektado sa virus.

Kahapon ay nag-self test rapid antigen test ang gobernador at lumabas na positibo ang resulta kung kaya’t nagpa-RT-PCR test ito upang kumpirmahin.

Ngayong Marso 13 ay ibinunyag na siya ay positibo sa virus.

Hiniling naman ng gobernador sa mga naging close contact nito na magtungo sa Rural Health Unit sa kanilang mga lugar upang sumailalim sa testing at mag-isolate.