-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagself-isolate si Aklan Governor Florencio Miraflores at lahat ng mga empleyado ng kanyang tanggapan matapos na dalawa sa kanyang staff ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa impormasyon, nakatakda silang isailalim sa RT-PCR test para sa COVID-19.

Sa ngayon ay wala naman umanong nararamdamang sintomas ang gobernador at naka-home quarantine na tatagal hanggang maipalabas ang resulta ng test.

Magpapatuloy pa rin umano ito sa pagtatrabaho kahit naka-isolate sa kanilang bahay.

Naka-home quarantine na rin ang mga staff nito na close contacts ng dalawang iba pang nagpositibo sa deadly virus.

Simula Lunes ng umaga ini-lockdown ang tanggapan ng gobernador para sa disinfection.