-- Advertisements --
Inatasan ng Korte Suprema si Cagayan Gov. Manuel Mamba at ang kanyang mga abogado na ipaliwanag kung bakit hindi dapat sila maaaring ma cited in contempt of court.
Ang kautusang ito ay dahil na rin sa pag-abuso umano ni Gov. Mamba at ng kanyang mga abogado sa proseso ng korte.
Kung maaalala, humiling si Gov. Mamba ng Temporary Restraining Order sa Kataas-taasang Hukuman laban sa House detention order na ipinataw sa kanya.
Ito ay kinatigan naman ng Korte Suprema.
Sa kabila nito ay boluntaryo pa ring sumuko si Gov.Mamba ng hindi ipinaalam sa Korte.
Sampung araw naman ang ibinigay ng Korte Suprema kay Mamba at sa kanyang mga abogado para magpaliwanag.