VIGAN CITY – Hindi kumbinsido si Ilocos Sur Governor Ryan Singson sa naging paliwanag ng Police Regional Office 1 sa tila na-bypass ito dahil hindi naipaalam sa kanya ang naganap na balasahan sa mga pulis sa bayan ng San Vicente.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, hindi kapani-paniwala ang naging sagot ni Police Brigadier General Randolf Balonglong, Deputy Regional Director for Administration ng PRO-1 na ang pagka relieve sa puwesto ng lahat ng miyembro ng San Vicente Municipal Police Station ay baha ng ipinatutupad na retraining program ni PRO-1 Reg. Dir. Police Brig. Gen. Rodolfo Azuin Jr kasunod ng mandato ng Pambansang Pulisya.
Aniya, hindi nagtutugma ang report sa naisagawang 4th Quarter 2020 Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council – Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Provincial Anti – Drug and Abuse Council – Provincial Development Council dahil nanantiling mababa ang crime rate sa nasabing bayan kumpara sa ibang lugar sa probinsya.
Dagdag ng gobernador na dapat patas ang trato ng PRO-1 sa mga iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon sa pagpapatupad ng retraining program.
Naging usap-usapan sa lalawigan ng Ilocos Sur ang pagkaka-relieve sa puwesto ng lahat ng personnel ng San Vicente MPS dahil uma sa mga unsolved cases sa nasabing tanggpan na hindi naman nasagot kaagad ng provincial government dahil hindi naipaalam sa tanggapan ng gobernador ang nasabing pangyayari.