-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Nanawagan ngayon si Gov. Philip Tan ng Misamis Occidental sa publiko na hikayatin muna ang mga miyembro ng pamilya na nasa labas ng probinsya na manatili sa kanilang mga kinaroroonan at huwag munang umuwi.

Ito ay matapos nagpositibo sa COVID-19 rapid test ang 17 katao na dumating sa border ng Misamis Ocidental na uuwi sana sa kani-kanilang pamilya sa nabanggit na probinsya.

Ang mga ito ay agad naman naka-isolate at isasailalim sa RT-PCR confirmatory test.

Iminungkahi rin ng opisyal sa lahat ng magbabiyahe patungong Misamis Occidental na siguraduhing walang sakit o virus.

Sinabi pa ng gobernador na hangga’t maari ay huwag magpakampante at kanselahin muna ang mga lakad kung hindi naman importante.

Sa ngayon ang Misamis Occidental ay may limang kumpirmadong kaso na ng COVID at isa na ang namatay.