-- Advertisements --
image 174

Inatasan ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. ang Iloilo Police Provincial Office na magsagawa ng regular threat assessment sa mga local chief executives sa lalawigan.

Kasabay ito ng pagpupulong ng gobernador at pulis sa higit 40 na mga alkalde sa lalawigan upang pag-usapan ang seguridad kasunod ng serye ng karahasan at pananambang laban sa mga opisyal ng gobyerno sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay newly-appointed Iloilo Police Provincial Office director Police Colonel Ronaldo Palomo, sinabi nitong dalawang security personnel ang maaaring i-provide ng pulis sa opisyal na may kinakaharap na imminent danger.

May inorganisa rin umanong tracker team upang lansagin ang dalawang aktibong criminal gangs sa lalawigan na maaring banta sa peace and order situation sa Iloilo.

Ayon naman kay Defensor, walang nakikitang culture of violence sa Iloilo ngunit dapat na may regular, deliberate at systematic update pa rin sa security situation sa 42 na bayan at isang component city para sa kinakailangan na adjustment.