-- Advertisements --

Tumabo ng 20 points si Rudy Gobert para ihatid ang Utah Jazz tungo sa 112-107 paggupo sa Brooklyn Nets sa kanilang exhibition game.

Umasiste kay Gobert si Filipino-American guard Jordan Clarkson na tumipa ng 12 points at limang rebounds para sa Jazz.

Hindi rin nagpaawat si Donovan Mitchell na may 14 points at apat na boards para sa Utah.

Dahil sa panalo, nakamit ng Jazz ang ikalawa nilang sunod na panalo bilang paghahanda sa pagbabalik ng NBA season.

Samantala, hindi naman nagbunga ang 23 points ni Caris LeVert, maging ang double-double na 19 points at 10 rebounds ni Jarrett Allen.

Makakatunggali ng Jazz ang New Orleans Pelicans sa pagbubukas ng seeding games sa Biyernes.

Sa nasabi ring araw magtatapat ang Brooklyn at Orlando Magic.