Itinanggi ni Utah Jazz center Rudy Gobert na may hidwaan sila ng kanyang teammate na si Donovan Mitchell.
Sagot ito ni Gobert isang linggo matapos lumabas ang ulat na hindi na raw maisasalba pa ang relasyon sa pagitan ng dalawang All-Stars.
Bagama’t aminado si Gobert na medyo matagal silang hindi nag-usap ni Mitchell matapos nilang magpositibo sa coronavirus, nagkausap naman daw sila ilang araw na ang nakalilipas.
“We’re both ready to go out there and try to win a championship for this team,” wika ni Gobert.
“You know, everyone has got different relationships — it’s never perfect,” dagdag nito.
“People that are married, it’s never perfect. So, you know, me and my teammates, it’s far from perfect. But at the end of the day, we both want the same thing — and it’s winning. We’re both grown men, and we both are going to do what it takes to win.”
Si Gobert ang unang pro athlete sa Estados Unidos na dinapuan ng COVID-19, dahilan para mapilitan si commissioner Adam Silver na isuspinde ang NBA season noong Marso 11.
Kinabukasan nang lumabas ang report na nagpositibo rin sa COVID-19 si Mitchell.
Inamin din ni Gobert ilang araw matapos itong ma-diagnose na may coronavirus na hindi niya raw sineryoso ang banta ng deadly infection.
Una nang binatikos ang French big man dahil sa paghawak sa microphones at audio recorders ng reporters sa isang press interview.