-- Advertisements --
Bumili ang gobyerno ng 15 milyon doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na gagamitin sa mga bata edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.
Sinabi ni National Task Force adviser Dr. Ted Herbosa na posible sa Enero o Pebrero darating ang nasabing mga bakuna.
Agad aniya nilang sisimulan ang pagpapabakuna sa mga bata ng nabanggit na edad kapag dumating na ang mga bakuna.
Magugunitang noong Disyembre 23 ng payagan ng Food and Drugs Administration ang paggamit ng Pfizer-BioNTech vaccine para sa nasabing mga edad.