Bukas ang gobyerno na gawing mas abot-kaya ang presyo ng mga COVID-19 test kits.
Kasunod ito sa naging panawagan ni Senator Risa Hontiveros na dapat maging libre na at madaling matagpuan ang mga COVID-19 testing sa Metro Manila at karatig na probinsiya ng Bulacan, Cavite at Rizal na nasa stricter Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Una na ring inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na mag-implementa ng price range ng mga RT-PCR testing para matiyak na magkaroon ng pantay na health care services ang Filipino.
Noong Setyembre ay inilagay ng DOH ang price caps sa P2,800 para sa plate-based at P2,450 para sa GeneXpert ng public laboratories habang ang testing sa private laboratories ay P3,360 sa plate-based at P2,940 sa GeneXpert test.