-- Advertisements --
Binigyang diin ni dating Senator Leila de Lima na dapat ipakita ng gobyerno kay Vice President Sara Duterte na hindi siya nakakalamang o nakakataas sa batas.
Dapat din aniyang panagutin ito sa rule of law.
Ipinunto din ng dating Senadora na ang naging asal ni VP Sara ay tila umano nagpapakita na siya ay nakakataas at above accountability kayat dapat na ipakita aniya sa kaniyaa ang pwersa ng estado mula sa ehekutibo, hudikatura at lehislatura.
Nagpahayag din ng kagalakan si De Lima sa ginagawang legal actions ng pamahalaan sa pamamagitan ng relevant agencies laban sa mga assassination remarks ng Ikalawang Pangulo laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.