-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kailangang bilhin ng gobyerno ang palay ng local farmers na apektado ng Rice Tariffication Law.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Department of Agriculture Sec. at ngayon Bohol Governor Arthur Yap, sinabi nito na dapat bigyang atensyon ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Ayon kay Yap, kailangang pag-aralan ang positibo at negatibong epekto ng rice importation ng Pilipinas.
Inihayag ni Yap na upang mabawasan ang pighati ng mga magsasaka, ipinapatupad ngayon ng Department of Agriculture ang Survival and Recovery Assistance program kung saan umaabot sa P15,000 ang maaaring i-loan ng bawat magsasaka.
Ang nasabing loan ayon sa gobernador ay maaaring bayaran sa loob ng 8 taon at wala rin itong interes.