Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gagawin ng gobyerno ang lahat para ma-prosecute ang mga drug offenders.
Pinatitiyak ng Presidente na masasampahan ng kaso ang mga drug offenders at managot sa batas ang mga ito.
Sinabi ng Punong Ehekutibo hindi na dapat humantong sa madugong sagupaan ang kampanya laban sa iligal na droga.
Aniya, kumpiyansa siya sa kakahayan ng mga otoridad na arestuhin at tugisin ang mga sangkot sa iligal na droga.
Ipinunto ng Pangulo na kahit ang mga malalaking bansa sa mundo ay problema pa rin ang iligal na droga.
Sinabi ng Pang. Marcos kaniyang inatasan ang mga law enforcement agencies na ipagpatuloy ang operasyon laban sa iligal na droga, paigtingin ang intelligence monitoring dahil ito ang isa sa mga epektibong hakbang para maaresto ang mga drug syndicate.
” Kayat tayo ganun din wala tayo ibang gawin kung hindi sige lang ng sige, just keep going. Ang kapulisan natin nasanay na rin sila. Alam na rin nila kung paano sistema kung minsan. Basta we just keep operating and keep gathering inteligence. thats the key to bringing down the activites of the drug syndicates dito sa Pilipinas,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.