Ikinalungkot Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagbitay sa isang Filipino OFW sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr. na lahat ng paraan ay ginawa ng gobyerno upang mailigtas ang Buhay ng Pinoy OFW na binitay sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.
SA ambush interview sa Chief Executive, sinabi ng Pangulo na nagawa naman nilang iapela sa pamahalaang Saudi na marepaso at tingnan ang KASO.
Ganunpaman, sadyang matibay aniya ang conviction sa kababayan natin kayat Hindi na napigilan pa Ang execution bukod pa sa napakahigpit ng ginagawang pagpapatupad ng batas duon.
Tiniyak naman ng Pangulo ang panalangin para sa pamilya ng Pinoy OFW habang aalamin din aniya nila kung anong tulong ang maaari nilang maipagkaloob dito.
” There was little thing left for us to do. We have very options left. We tried everything and for many many years the saudi government really tried look and to be sure that the judgement was actually deserved. nonetheless we appealed to the better nature of our friends in the Saudi arabia to perhaps to have another look is needed. of course the law there is very strict and apparently the conviction has stood and one of ours have been taken away. Very unfortunate,” pahayag ni Pang. Marcos.
Samantala, tiniyak ni DMW Secretary Hans Cacdac na nakatutok ang ahensiya sa kaso ng nasabing Pinoy OFW.
Ayon kay Cacdac hindi muna nila maibibigay ang ilang detalye partikular sa pagkakakilanlan ng kababayan nating binitay dahil na din sa kahilingan ng pamilya nito.
Siniguro ni Cacdac na tutulungan ng gobyerno ang naulilang pamilya at maging ang mga anak na nag-aaral pa.