-- Advertisements --

Temporaryong isasara ng bansa kaniyang borders sa mga foreigners at mga returning Filipinos na hindi mga overseas workers.

Magsisimula ito sa Marso 18 para tuluyang mabawasan ang kaso ng hawaan ng COVID-19.

Sa inilabas na memorandum circular ng National Task Force Against COVID-19 na sususpendihin ang pagpasok ng mga dayuhan at hindi mga OFW sa bansa mula Marso 18 hanggang Abril 19, 2021.

Hindi naman kabilang dito ang mga holder ng 9 (c) visa, medical repatration at ang kanilang escort na inindorso ng Department of Foreign Affairs o mga Overseas Workers Welfare Administration, distressed returning overseas Filipinos na inindorso ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), emergency, humanitarian at ilang analogous cases na aprubado ng NTF COVID-19.