-- Advertisements --

Hinikayat ng gobyerno ang mga manufacturer at suppliers ng COVID-19 home test kits na i-rehistro ang kanilang produkto sa Food and Drugs Administration (FDA).

Sinabi ni acting presidential spokeman Karlo Nograles na dapat ay pumasa sa FDA ang nasabing mga COVID-19 test kits.

Dumating sa kaniya ang ulat na marami hindi rehistradong home test kits.

Nauna ng nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang paggamit ng nasabing mga home test kits dahil sa baka ito ay magdudulot ng maling resulta.